Skip to main content

Posts

Showing posts from April, 2011

pEDo

"Pag-ibig? Sarado na ang pintua't mga bintana ng puso ko sa bagay na iyan! Pagsusunog muna ng kilay, bago ang pagbabaga ng puso." Ewan, mga katagang bigla na lamang naibubulalas ng utak sa murang isip. Mga bagay na walang kasigurohan! Image from NoRhymeOrReason Nagtapos sya ng haiskul, mag-iikatlong taon na ang nakakaraan. Mag-iikatlong taong paglipas ng una nyang kasawian. Kasawiang hindi nya inakalang hahantong sa tatlong araw na 'di nya pagkain at tatlong araw na wala sa katinuan ng pag-iisip. Hindi sya nasiraan ng ulo, subalit, nasira ang kanyang mithiin, mithiing magkaroon ng unang pag-ibig. Pag-ibig na magbibigay sa kanya ng kasiyahan. Kasiyahan na pagmumulan ng inspirasyon. Inspirasyong maipagmamalaki. Mahina ang loob nya noon e! Kapitbahay nya lang 'yung babae. Madalas nyang nakikita kapag nagsasampay ng nilabhang damit. Nakikita nya tuwing pumapasok, tuwing bumibili sa tindahan ni Tomboy, tuwing namamasyal sa kabilang barangay. Kulang na lang makit