Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2014

FaiRy

Ipagpaumanhin, na ako’y di makadadalo; Sa inyong pagbibigkis, araw din ng patakbo. Isa lamang paalala, ang aking habilin: Bagong yugto, inyo nang tatahakin. Ito'y hindi biro't, hindi rin laro; Sa mga pagsubok, kayo’y wag susuko! Batuhan ng palayok, sandok man o gulok, Iyan nama’y pagdaraanan, wag lamang tutusok! Ang paka-iiwasa’y, hampas ng dila; Walang tumbas na sakit, daig pa ang bala! Subalit ang dila, ito ri’y nagpapaligaya; Basta’t alam lamang, na kayo’y magparaya! ;) Kung inyong mararapatin, ang aking pag-imbita: Patakbong una kong likha , ikagagalak na kayo ri'y makita; Ito nama'y paanyaya lamang, kung doo’y inyong nais magpulo’t-gata! Imaheng gawa ni #HotZerina (LaZer) Best Wishes Faith and Ryan!